Ang aga kong pumasok. As in. Siguro nasa school nako aroung 5:10 am. Kasali kami sa Karakul, eh 5:30 daw ang assembly. Wow lang ha, 5:30 wala pang masyadong tao sa school, wala pa nga ata yung guard nun eh. Puro utility pa lang. Nag-start sya around 7 am na. Sabi nila 6 daw simula. Filipino time. Tsk.




Ang boring lang ng Karakul, walang effort yung section namin. Kahit props wala. Hahahaha =)) So ayun nga, sa sobrang aga kong pumasok, halos nakalimutan ko ng Valentine’s Day pala. Hahaha. Kainis lang. Then nakita ko si Charles. Wala siyang dalang kahit ano, medyo nalungkot naman ako dun. Kasi naman, kahit sinasabi kong mas gusto kong pagkain kesa sa flowers, syempre pag nakatanggap ako ng bulaklak, talagang matutuwa ako. Di ko nalang pinansin yun. Then nung break time na, nakakainis lang kasi ang tagal dumating ni Charles, pupunta kasi kami sa bahay namin then sa bahay naman nila. Kainis siya ang tagal magtext eh. So ayun nga. Nung nakita na namin siya sa tapat ng isang kainis sa tapat ng school, sabi niya saglit lang daw nagpapasama daw kasi si Ted, yung classmate namin. Edi okay, hintay lang ako. Then dumating na sila, eh nakatalikod ako nun. Pagharap ko, tada! May flowers! Awoooo! At chocolates! Talagang na-sursprised ako! As in. Wala, sobrang nakakatuwa. Kasi talagang madalas niya kong nasusurprise. And kahit madalas yun, he still do surprise me. :”>

Then ano pa ba. Nagpunta kaming MoA, skating. Yay! :)) And guess what? Nabili namin yung ticket namin for only 200 pesos! It was supposed to be 300, eh may nagbebenta sa may malapit lang dun sa skating rink. Parang libre lang kasi sakanila. I know it’s illegal. Pero.. Ehh kasi namani 100 pesos din yun!! Hahaha. So ayun nga.




Then we had dinner @ Gilligan’s.



All in all, ang saya ng Valentine’s Day ko. As always. Thank you Lord :”>
Tagged as: personal. valentine's day.
