Dennice Hillary | 18 | ♥


More of a talker, can also be a listener. Daydream a lot. REBLOG A LOT.

haponita:

Karamihan talaga babae ang nagpapakamartir sa pag-ibig. Iilan nalang ang mga lalaking makikita mong nagddrama or nagkkwento about lovelife nila. Kanina nakinig ako sa Dear Jasmin, at ang nabasang kwento ni Jasmin ay galing sa isang lalaking martir sa pag-ibig. Sa isang lalaking nagpakatanga sa isang babaeng makasarili. Eto yung kwento..

Isang taon ding niligawan ni Paco si Jen. Nahirapan si Paco na ligawan siya dahil kakagaling lang ni Jen sa isang failed relationship. Pero worth it naman ang paghihintay ni Paco sa matamis na OO ni Jen. Ilang taon din ang tinagal ng relasyon nila. Si Jen ay isang independent na babae, masipag magtrabaho. At isa yan sa mga katangian na nagustuhan ni Paco sa kanya. Sa tinagal tagal ng relasyon nila hindi nawawala dun ang cool-off. Every after 4 months nagbebreak sila tapos nagiging sila naman ulit. Palaging ganun at ganun ang nangyayari hanggang dumating sa point na official nang break na sila. Kahit ilang babae pa ang ireto ng mga kaibigan ni Paco sa kanya paralang makalimutan niya si Jen ay wala parin. After ilang araw na hindi pagpaparamdam ni Jen kay Paco, biglang nagbeep ang cellphone ni Paco..

(text ni Jen kay Paco)..

San ka? Magkita tayo. Pumunta ka dito sa bahay.

Syempre dali daling nagbihis, nagpabango, nagayos si Paco dahil miss na miss na niya si Jen. Nagkita sila at hindi nakatiis si Paco at hinalikan si Jen na halatang sabik na sabik sa mga labi niya. At hanggang sa dumating sa puntong may nangyari sa kanilang dalawa. At weekly at nangyayari parin ito kahit na magEX nalang sila. Isang araw after nilang magsex, kinausap ni Paco si Jen..

Paco: I love you baby. Hanggang kelan tayo magiging ganito?

Jen: Kung hindi tayo busy pareho. 

Paco: Mahal na mahal kita Jen, kelan mo ako babalikan?

Jen: Ano ba Paco? Hindi pa ulit ako ready makipagcommit. Hindi ka ba masaya na kahit wala na tayo may ganito paring nangyayari satin? Na napupunan ko parin yung pangangailangan mo?

Paco: Pero….

Jen: Magbihis ka na. May trabaho pa ako malelate na ako.

Paco: Sa 28 magkita tayo, monthsary natin yun may surpre..

Jen: ANO BA PACO?! hindi ka ba nakakaintindi?!

Nagdaan ang araw ng monthsary nila pero hindi sumipot si Jen. Pinuntahan ni Paco si Jen sa work niya. At halatang galit si Paco dahil dalawang oras pang pinaghintay ni Jen sa labas dahil ayaw papasukin ng guard. Nung pababa na si Jen, sumigaw agad si Paco..

Paco: BAKIT HINDI KA SUMIPOT?! at bakit hindi ko manlang alam na nagbakasyon ka sa palawan?! (galit na galit)

Jen: Bakit sinabi ko bang sisipot ako nung sinabi mo yan sakin?! At hindi na kita boyfriend para sabihin ko lahat ng ginagawa at bawat kilos ko! 

Paco: Mahal na mahal kita Jen! Bakit hindi mo ako makuhang balikan ulit?! T.T

Jen: Dahil ayoko na! Dahil hindi na ako masaya!

Paco: Anong ibig sabihin ng pagsesex natin sa tuwing magkikita tayo? Wala lang ba yun sayo? Oo Jen, gustong gusto ko yung nangyayaring yun pero hindi lang sex ang habol ko sayo! Dahil umaasa ako na sasagutin mo ulit ako dahil sa meron paring nangyayari satin. Mahal na mahal kita. Please balikan mo na ako. T.T

Jen: Paco, ako din naman nahihirapan sa sitwasyon nating dalawa. Naguguluhan ako sa mga panahon na nakikipagsex ako sayo habang wala na tayo. Akala ko maibabalik pa yung dati kong feelings for you kapag may nangyari ulit satin, pero wala. Wala akong espesyal na nararamdaman sa tuwing ginagawa natin yun. Kaya Paco, I’m sorry. Narealize ko na hindi na talaga kita mahal. You deserve someone better. Hindi ako ang babaeng magpapaligaya sayo habang buhay.

Umalis si Jen na umiiyak at ganun din si Paco. Sinubukang habulin ni Paco si Jen pero hinablot ng guard si Paco at inihatid sa labas..

Ito lang yung mga part na natandaan ko sa kwento. Masasabi kong napakaselfish nung babae. Gago lang niya. Sana makahanap si Paco ng true love. Sana makahanap siya ng babaeng hindi lang siya gagamitin kundi magmamahal din sa kanya. Sana ako din makahanap. Hehe~

Posted on 13/2/12 at 7:24am
With 63 notes
Post Notes:
  1. libbie-oconnor reblogged this from haponita
  2. shelovessyou reblogged this from haponita
  3. dennicehillary reblogged this from haponita
  4. krystelshayne reblogged this from haponita
  5. akosinumberfive reblogged this from haponita
  6. fairyteeel said: awch D: effort ko magbasa.hahaha! ayos!
  7. yourmallowmarsh said: masyado yung babae! amp! SELFISH -_-“
  8. youcountmein reblogged this from haponita